Executive Secretary Vic Rodriguez, ipapa subpoena na ng Senate Blue Ribbon Commitee
Maglalabas na ang Senate Blue Ribbon Committee ng subpoena laban kay Executive Secretary Vic Rodriguez
Itoy dahil sa patuloy niyang pang -iisnab sa pagdinig ng Senado sa isyu ng naunsyaming Sugar importation.
Sa pagsisimula ng pagdinig nagpadala ng sulat si Rodriguez na nagsabing hindi na siya dadalo sa hearing batay umano sa utos ng Pangulo.
Wala siyang ibinigay na rason pero handa raw siyang sumagot sa pamamagitan ng sulat.
Dahil dito naghain na si Senador Risa Hontiveros ng mosyon para maipa subpoena ng komite si Rodriguez.
Katuwiran ni Hontiveros walang karapatan si Rodriguez na diktahan ang mga Senador kung paano siya sasagot.
Kuwestiyon naman ni Senador Koko Pimentel, ano ang itinatago ni Rodriguez?
Naglabas aniya ito ng masasakit na pahayag laban sa mga opisyal ng sugar regulatory administration sa kanyang unang pagharap Kaya dapat isailalim ito sa cross examination ng mga Senador.
Sinabi ni Pimentel kung Hindi ito pahaharapin sa pagdinig maaring maakusahan ang Senado na may pinagtatakpan sila sa mga imbestigasyon.
Dahil dito nagdesisyon ang Chairman ng komite na si Senador Francis Tolentino na magpatawag ng executive session at nagkaroon ng botohan.
Sa secret balloting , 11 ang pumabor na ipasubpoena si Rodriguez, tatlo ang tumutol habang 3 ang nag abstain.
Sa rules ng blue ribbon committee ang sinumang resource person na Hindi pa rin sisipot sa kabila ng subpoena maaaring i contempt at ipaaresto ng Senado.
Meanne Corvera