Sim card registration pasado na sa House Committee on Information and Communications Technology
Lusot na sa House Committee on Information and Communications Technology ang panukalang SIM Card Registration Bill na pinamumunuan ni Navotas Congressman Toby Tiangco.
Sa pagdinig ng komite inaprubahan ang consolidated version ng panukala maging ang committee report matapos na ilahad ng mga may-akda ang kanilang sponsorship.
Sinabi ni Tiangco na naging enrolled bill na noong 18th Congress ang Sim Card Registration Bill subalit na- veto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya ginamit ng komite ang Rule 10 section 48 ng Kamara para mapabilis ang pagpasa sa panukala ngayong 19th Congress.
Inihayag ni Tiangco na ginawang mother bill ng komite ang House Bill 14 ni House Speaker Martin Romualdez.
Naniniwala ang mga kongresista na makatutulong ang Sim Card Registration upang makilala ang mga scammer na gumagamit ng SIM card sa kanilang modus o panloloko sa publiko.
Vic Somintac