Study now pay later program ng CHED, ipinatigil na muna
Ipinatigil muna ng Commission on Higher Education ang programa nitong Study now pay later.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Higher Education, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na hirap silang maningil ng loans ng mga estudyante.
Batay sa itinatakda ng Republic Act 10931 o puwedeng mag- aral ang mga estudyante sa kolehiyo sa ilalim ng Study now pay later pero sinabi ni de Vera tila naging study now pay never.
Gayunman, naglaan aniya ang CHED ng isang bilyong piso para sa mga mahihirap na estudyante sa State Colleges and Universities sa ilalim ng programa nitong UNIFAST o unified student financial assistance system for tertiary education.
Katulad din ito ng study now pay later pero ang loan ay kailangan nilang bayaran bago maka graduate.
Ang Landbank, isa sa mga Government Owned and Controlled Corporations ay kinumpirma namang naglaan rin ng tatlong bilyong pisong pondo para sa loan ng mga estudyante sa kolehiyo.
Hanggang nitong June 2023, nakapaglabas na ang bangko ng 3.62 million pesos na pautang para sa tuition fee ng walang kolateral at babayaran rin habang nag- aaral.
Sa ngayon may isinusulong na panukala sa Senado na palawakin ang Voucher program sa mga private higher education institutions..
Meanne Corvera