Pagbabalik ng Nutribun sa mga pampublikong paaralan tiniyak ng DOST sa Kamara
Magbabalik na ang sikat na nutribun sa mga pampublikong paaralan.
Ito ang tiniyak ng Department of Science and Technology o DOST sa hearing ng House Committee on Appropriations.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum ito ang nakapaloob sa school feeding program ng Department of Education o DEPED.
Sinabi ni Solidum na ang papel ng DOST ay research para mas lalong maging masustansiya ang nutribun sa pangunguna ng Food and Nutrition Research Institute.
Nag-level up na ang nutribun at may iba-ibang flavors gaya ng carrots, kamote at kalabasa.
Ang nutribun ay ipamamahagi sa mga mag-aaral sa buong bansa dalawa hanggang tatlong beses kada isang linggo.
Vic Somintac