Hindi dapat na inom lang nang inom ng vitamins ….
Mga kapitbahay, hello sa inyo!
Alam po ninyo isa pang tagapakinig natin ang nagtanong ukol naman sa kung ano bang bitamina ang dapat na inumin para lumakas ang resistensiya?
Muli natin itong itinanong kay Doc Rylan Flores, isang Orthopedic Surgeon at ang sabi niya …
Hindi siya nagbibigay ng bitamina manapa ang ginagawa niya ay paulit-ulit na sinasabi ang mga dapat gawin gaya na daanin sa pagkain (maayos, masustansiya, kumain ng tama sa tamang oras).
Kailangan ding uminom ng sapat na tubig (kung kinakailangan ay 2-3 litro ng tubig) kahit umuulan o tag-ulan.
Isa pa, kailangang kumilos (mag exercise).
Kung may edad na may minor exercises na puwedeng gawin (may napapanood naman sa You Tube at iba pang platforms).
Mahalagang lahat ng bawal ay tigilan!
Binigyang-diin niya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, at mahalagang nagpapahinga.
Kung magagawa ito, hindi na kakailanganin pa ang bitamina.
Dagdag pa ni Doc Rylan, ‘yung iba, baligtad!
Hindi aayusin ang pamumuhay o lifestyle sa araw-araw, at ang gagawin ay inom lang ng inom ng vitamins sa pag-aakala na ‘yun ang magsasalba sa kanila.
Ang vitamins po ay supplement.
It’s supposed to add-on kung saka sakaling hindi ganoon kaganda at karami ang nakain.
Hindi pamalit ang vitamins sa tamang pagkain at pag-inom ng tubig.
Kaya dapat ay unahin muna ang pag-ayos sa pagkain sa maghapon bago nating isiping uminom ng vitamins.
Isa muling paalala at karagdagang kaalaman sa ating mga kapitbahay!