Ano ang “Quiet Firing”?
Noong nakaraan ay pinag-usapan natin kung ano ang quiet quitting.
Ngayon naman, ang ibabahagi natin ay ang “quiet firing”?
Maaaring karamihan sa atin ay nakaranas o dumaan sa ganitong sitwasyon o pagkakataon.
Muli ay kinausap natin si Coach Jimmy Belleza para dito.
Ang quiet firing ay kapag ang kumpanya o organisasyon ay nais nilang paalisin ang isang kawani ngunit hindi nagseserve ng termination, hindi kayang sabihin nang harapan.
Ginagawa ito kung walang enough grounds para paalisin ang manggagawa.
Nangyayari ito kapag not doing well ang employee, maaaring may ginawang bagay na not proven pa ng company, at nasa process ng investigation, but ang thinking ng management may ginawa ka ng kasalanan.
Malalaman mong quiet firing, kapag binibigyan ka ng task, but no enough tools, may pressure.
Ikalawa, cold treatment sa iyo o dedma.
Bukod sa binanggit sa itaas, tinanong natin kung ano pa ang mga senyales.
Sabi ni Coach Jimmy … una, financial, nagbigay ng increase, incentives sa lahat ng katrabaho, ikaw hindi napasama bagamat you’re doing well sa performance.
O kaya sa promotion may bata o bagong dating, mas nauna pang napromote kesa sa iyo.
Ikalawa, binibigyan ka ng pressure sa trabaho, may deadline gayung hindi naman kailangang tapusin agad.
Dagdag pa niya, binibigyan ng pabor ang ibang tao kumpara sa iyo na dapat deserve ibigay sa iyo ng kumpanya.
Dahil dito, asahan ang hindi magandang epekto sa employee, nawawala ang sense of importance nila, undervalued, mag-iisip kung dapat magsubmit ng resignation letter, maging ang motivation para pagbutihin ang work apektado rin, nagiging resulta ng quiet quitting…dahil sa pagtrato ng quiet firing.
Bilang naging bahagi ng Human Resources, sabi ni Coach Jimmy na masaya siya sa work niya na makapagmotivate ng employee, maimprove at mapasaya ang mga kasama, bigyan ng oportunidad, ngunit isa rin sa kanyang gampanin ay magterminate ng kasama, magsagawa ng quiet firing, lalo na kung ito ang desisyon.
Nagreresulta rin ito ng toxic environment kapag ang quini-quiet firing ay nananatili pa rin sa loob ng organisasyon, at hindi umaalis, lumilikha ng domino effect sa mga kasamahan.
Binigyan-diin niya na hindi maaaring basta magtanggal ng trabahador kung walang sapat na basehan para alisin sila.
Dapat maipakita rin ang extended consideration para sa kanila.
Maaring dumulog sa Department of Labor and Employment ang kawani kung sakaling nakaranas ng unfair practices.
Dapat dumaan sa due process ang kawani.
Para sa kanya may Win-Win solusyon, kausapin ang kawani, magsuggest na hindi maganda ang kaniyang performance bago humantong sa termination o mag-exit gracefully.
Lastly, mahalaga na masaya tayo sa pagtatrabaho, para sa employer make an ambiance na masaya.
At sa empleyado siguruhing ginagawa ang task, kung may pagkakataon once a week, maglaan o mag-extend ng oras at effort para sa ibang gampanin.