5 Percent discount sa mga bill sa kuryente at tubig ng Senior citizens, isinusulong sa Senado
Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na mabigyan ng limang porsyentong discount sa singil sa tubig at kuryente ang mga Senior citizen.
Sa Senate bill 1066 na inihain ni Senador Grace Poe, nais nitong bigyan ng 5 percent discount ang mga nakatatanda sa unang 50 cubic meters na magagamit na tubig at 150 kilowatt hour sa buwanang consumption sa kuryente.
Nakasaad rin sa panukala na malibre na sa VAT ang water at electricity bill ng mga nakatatanda batay sa itinatakda ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Layon ng panukala na tulungan ang mga nakatatanda lalo pa nga at marami sa kanila ay wala nang kakayahang magtrabaho.
Kung mababawasan rin ang kanilang bayarin, may magagamit pa ang mga nakatatanda sa kanilang ibang pangangailangan kasama na ang maintenance medicine.
Meanne Corvera