2022 Bar Exams idaraos sa 14 local testing centers
Tinukoy na ng Korte Suprema ang mga lungsod at lugar kung nasaan ang local testing centers na pagdarausan ng 2022 Bar Examinations sa Nobyembre.
Sa bar bulletin na inisyu ni Supreme Court Justice at 2022 Bar Chair Alfredo Benjamin Caguioa, lima sa 14 na local testing sites ay sa NCR partikular sa Pasay City, Quezon City, Taguig City, Northern Manila, at Southern Manila.
Sa Luzon naman ay sa Baguio City, Lipa City Batangas, at Naga City, Camarines Sur.
Sa Visayas ay sa Northern Cebu City, Southern Cebu City, at Tacloban City, Leyte.
Sa Mindanao ay Cagayan de Oro City, Davao City at Zamboanga City.
Hindi pa binanggit ng SC ang mga partikular na institusyon na pagsasagawaan ng pagsusulit sa mga nasabing lugar.
Kaugnay nito, hahatiin naman sa tatlong batches ang bar candidates para sa venue selection ng kanilang exam sites.
Ang unang batch ay makapipili ng testing venue sa September 14 hanggang 15; ang second batch ay sa September 16 hanggang 17; at ang ikatlong batch ay sa September 18 hanggang 19.
Ang 2022 Bar Exams ay gaganapin sa Nobyembre 9,13,16, at 20
Magiging digitalized pa rin ang pagsusulit kasunod ng matagumpay na computerized at regionalized 2020/2021 Bar Exams.
Moira Encina