Chief Justice Gesmundo nanawagan sa grupo ng mga abogado na suportahan ang planong judicial innovations
Isinusulong ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pagkakaroon ng real time na paghahatid ng hustisya para sa lahat.
Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Philippine Bar Association, sinabi ni
Gesmundo na ang real-time justice ay hindi lamang makikita sa pantay, patas, transparent, accountable, at pagiging inclusive kundi nakasasabay din maging sa makabagong panahon.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, isinusulong
ni Gesmundo ang isang technology-driven judiciary na mas lalong nakita ang kahalagahan nitong panahon ng pandemya.
Tiniyak rin ng SC ang patas na access para sa mga kababayan na Muslim at maging sa mga refugee at stateless person.
Magkakaroon din aniya sila ng National Summit on Legal Aid at National Summit on Clinical Legal Education.
Hiniling naman ni Gesmundo ang suporta ng PBA sa kanilang mga isinusulong na pagbabagong ito.
Moira Encina