Senado nagpasa ng resolusyon para parangalan ang Philippine Muay Thai Bagsik Team
Inaprubahan ng Senado ang resolusyon ng pagpaparangal sa Philippine Muay Thai Bagsik team matapos makasungkit ng medalya sa Malaysia.
Ang Muay Thai team ay nakasungkit ng labinglimang medalya walo rito ay gold at anim na silver sa katatapos na International Federation of Muay Thai Associations.
Ayon kay Senador Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Sports at nag sponsor ng resolusyon, dapat ipagmalaki ang tagumpay ng mga kabataang atleta dahil sa kanilang tapang at galing na ipinamalas sa naturang palaro.
Patunay rin ito na kapag may sapat na suporta ang gobyerno sa mga atleta, tiyak na magtatagumpay at makapagbibigay ng karangalan sa bansa.
Si Senador Alan Peter Cayetano isinusulong na amyendahan sa charter ng Philippine Sports Commission.
Kung gagawin raw na departamento na ang PSC, regular at direkta itong mapaglalaanan ng budget at makapag invest sa mas maraming atleta.
Sinusuportahan rin ni Senador Sonny Angara ang hakbang para tutukan ang tagumpay ng iba pang atletang pinoy.
Sa susunod na taon aniya ang Pilipinas ang magiging host ng FIBA World cup kaya dapat rin itong paghandaan ng PSC.
Sinabi ni Angara kung mag-iinvest ang Pilipinas sa larangan ng sports malaki ang balik nito sa bansa.
Meanne Corvera