Dating chairman ng nagsarang rural bank sa Negros Oriental, hinatulang guilty ng korte ng paglabag sa General Banking Law
Napatunayang guilty beyond reasonable doubt ng hukuman sa Mandaue ang dating chair ng Board of Directors ng ngayo’y sarado ng Rural Bank of Mabinay (Negros Oriental), Inc. (RBMI) sa paglabag sa General Banking Law.
Ito ay kaugnay sa kaso na inihain ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Justice (DOJ) noong 2019 laban sa akusado na si Nicolas P. Libre.
Ayon sa BSP, ang kaso ay nag-ugat sa pagpasok ni Libre at ng ilan pang direktor ng RBMI sa gratuitous na Bank Guarantee Agreement (BGA) sa V8 Motors, Inc. (V8).
Sa ilalim ng BGA, walang bayad o kompensasyon ang V8 sa RBMI para sa guarantee to pay nito sa investments ng investors ng V8.
Nang dahil sa kasunduan, nakapagkamal ang V8 ng salapi mula sa investors nito nang walang anumang risks.
Bukod dito, sa RBMI napunta ang pasan para bayaran ang investors sakaling mabigo ang V8 na ibalik ang capital investments ng investors.
Sa ruling ng Mandaue Regional Trial Court, napatunayan nitong guilty si Libre ng pagsasagawa ng banking business sa isang unsafe at unsound manner.
Pinatawan din si Libre ng multang P50,000 ng hukuman.
Moira Encina