VP at Education Secretary Sara, umalma sa mga alegasyon sa umano’y paggamit ng chopper araw- araw
Pumalag ang Office of the Vice president sa mga alegasyon hinggil sa umano’y paggamit ni Vice president Sara Duterte ng chopper pauwi ng Davao at pabalik sa trabaho sa Metro manila araw araw.
Sa isang post sa social media, nauna nang binati ni Duterte si Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang kaarawan at nagpasalamat sa pagpapahiram nito ng kaniyang 250th presidential airlift wing para agad makauwi galing sa kaniyang trabaho.
Pero paglilinaw ng kaniyang tagapagsalita na si Atty. Reynold Munsayac ,fake news ang impormasyong ito dahil hindi na araw- araw umuuwi ng Davao ang bise presidente at nakabase na ito ngayon sa Metro Manila.
Katunayan ay dito na nag- aaral ang kaniyang mga anak at land vehicle lang ang kaniyang gamit araw- araw.
Gumagamit lang aniya ito ng chopper kapag kinakailangan sa kaniyang trabaho bilang pangalawang pangulo at kalihim ng Department of Education depende pa sa mga lugar at urgency ng kaniyang schedule.
Sa kanyang ilang taong pagsisilbi sa publiko iginiit ni Munsayac na isang efficient na
public servant si Duterte at pinoprotektahan nito ang lahat ng government resources.
Meanne Corvera