Lima ang patay, apat ang nasaktan sa pagguho ng gusali sa Jordan
Limang bangkay ang narekober matapos gumuho ang isang apat na palapag na residential building sa kapitolyo ng Jordan, habang 14 naman ang nasaktan at may iba pang na-trap.
Sinabi ni security spokesman Amer al-Sartawy, “The toll from the collapse in the city’s Jabal al-Weibdeh district has risen to five dead and 14 injured.”
Una na niyang sinabi na nagpapatuloy ang rescue efforts ng civil defense forces sa tulong ng mga team mula sa regional security command at gendarmerie.
Ayon sa isang source sa civil defense service, may ilang bilang pa ng mga taong na-trap sa gumuhong gusali ngunit hindi naman binanggit kung ilan.
Nagsagawa naman ng inspeksiyon sa gumuhong gusali si Prime Minister Bisher al-Khasawneh, kasama ng ministers ng interior, health at information.
Sinabi ng tagapagsalita ng gobyerno na si Faisal al-Shaboul, na inatasan ni Khasawneh ang alkalde ng Amman at iba pang mga opisyal na imbestigahan ang sanhi ng pagguho.
Ayon naman kay Jordan Deputy Prime Minister Tawfiq Kreishan, “Among the reasons for the collapse of the building are that it is old and dilapidated. Surrounding buildings were being evaluated.”
Isang judicial source na ayaw magpakilala ang nagsabing naglunsad na rin ng imbestigasyon ang prosekusyon sa insidente.
Ang Jabal al-Weibdeh ay kabilang sa pinakamatandang distrito ng Amman, at malaking bilang ng mga expatriate ang naninirahan dito.
© Agence France-Presse