Importance of Flossing
Majority o karamihan ay binabalewala ang flossing.
Sa practice ko ang inuuna kong tinitingnan sa record ng mga pasyente ko ay ang sagot sa tanong na … do you floss everyday ?
At ang sagot na madalas kong nakikita ay …’no’.
Isipin n’yo na lang kung minsan sa isang buwan ka lang kung magfloss ., paano na ang pagkain na nasa gilagid or pocket o bulsa ng gilagid ?
Sa bulsa pumapasok ang lahat ng tinga, subalit kung paano na kung wala sa bokubularyo natin ang mag floss?
Totoo na mahalaga ang pagsesepilyo ng ngipin, pero, importante din ang flossing.
Hindi trabaho ng toothbrush na linisin ang pagitan ng ngipin o bulsa ng ngipin.
Trabaho ‘yan ng dental floss.
Alam ba ninyo na ang ‘tinga’ ay kayang bulukin ang gilagid o ngipin ninyo?
At bigyan kayo ng mabahong hininga?
Ito ay dahil hindi nalilinis ang pagitan ng ngipin.
Kapag everyday ang flossing, maiiwasan ang decay kahit ang pamamaga ng gilagid.
Sa flossing maiiwasan ang bad breath.
Isipin na ang gilagid ay bulsa tapos ang daming nakaipit na hindi naaalis.
Kahit ka magsepilyo kulang pa rin.
Samantala, ang flossing ay dapat na gawin sa gabi o bago matulog.
Dental floss muna bago ang toothbrush .
Marami naman na ngayong klase ng floss at modified na rin.
Matanda o bata kahit si lolo at lola ay need magfloss hanggang may natitirang ngipin, walang exempted.
Tandaan na hindi lang tooth decay ang magiging problema kapag hindi nagpo-floss kundi mas malala, kapag gum disease.
Ang lahat nang pumasok na particles sa gilagid, ‘yung bacteria doon ay kakainin ang buto kaya unti-unti na-uuga ang ngipin.
Sa tooth decay, puwedeng pastahan.
Kapag buto ang nasira o ang gilagid, uuga ang ngipin.
At kapag nagkaproblema sa gilagid kaya nitong ubusin ang ngipin.