Mahigit 800 bagong kaso ng omicron subvariants naitala ng DOH
Nakapagtala ng 814 bagong kaso ng Omicron subvariants sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, may 16 na BA.4 subvariants ang naitala kung saan ang 12 ay mula sa Region XII, dalawa sa National Capital Region, at tig-isa naman sa region 5 at 7.
May 688 BA.5 subvariants naman ang naitala.
Ayon sa DOH, lahat ng bagong kaso na ito ng BA.5 ay naitala sa lahat ng rehiyon sa bansa kung saan ang pinakamarami ay sa NCR na may 126 cases na sinundan ng region 6 na may 104 cases.
May 110 na iba pang lineages ng Omicron ang nakita rin mula sa mga bagong batch ng sample na sinuri.
Madelyn Villar-Moratillo
Please follow and like us: