Passport online appointment system, pansamantalang nagka-aberya
Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs- Office of Consular Affairs (DFA-OCA) na nakaranas ng “temporary unscheduled downtime” ang Passport Online Appointment System nito sa Pilipinas at sa ibang bansa ngayong September 21.
Sa report na natanggap ng DFA-OCA mula sa service provider APO Production Unit Inc. (APO), ang aberya ay bunsod ng equipment failure ng main power provider ng sistema.
Bumalik naman ang normal na operasyon ng online appointment system ng 4:00 ng hapon.
Inabisuhan naman ng DFA-OCA ang mga aplikante na nakapag-book ng appointments at ang mga nakabayad na sa appointments na maaari silang makaranas ng delays sa pagtanggap ng payment reference emails o confirmation emails.
Pinayuhan din ang mga aplikante na naka-kumpleto ng online applications at ang mga nakapagbayad na maghintay ng 48 oras sa pagtanggap kanilang emails at tingnan ang spam folder bukod sa regular email inbox.
Humingi naman ng pang-unawa ang DFA sa publiko sa aberya.
Moira Encina