K9 Academy ipinapatayo ng Philippine Coast Guard
Isang K9 Academy ang ipinapatayo ng Philippine Coast Guard sa Pampanga.
Ayon sa PCG, ang K9 Academy na ito ay itatayo sa 10 ektaryang lupain sa Mabalacat, Pampanga.
Kapag naging operational na, magsisilbi ito bilang center para sa komprehensibo at advanced training para sa lahat ng Coast Guard working dogs at kanilang handlers.
Layon umano nitong mahasa ang K9 dogs hindi lang sa search and rescue kundi maging para makatulong sa pagtukoy ng mga banta, gaya ng mga pampasabog at maging sa pag-aresto ng mga pugante sa batas.
Sa pamamagitan nito, 30 milyong piso rin umano ang matitipid ng gobyerno rito dahil hindi na kailangang mag-hire ng private working dogs at K9 handlers sa pag-maintain ng port security.
Madelyn Villar-Moratillo