Remulla: Halos 300 overstaying at illegal Chinese POGO workers, target na ipadeport sa katapusan ng Setyembre o unang linggo ng Oktubre
Posibleng masimulan na sa katapusan ng Setyembre o unang linggo ng Oktubre ang pagpapa-deport sa mga overstaying Chinese at mga nagtatrabaho sa mga illegal POGO sa bansa.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na nasa 280 Chinese ang nasa kustodiya ng gobyerno na nakatakdang ibalik sa Tsina.
Pero, maaari aniyang madagdagan pa ang nasabing bilang ng Chinese sa oras na magtuluy-tuloy muli ang pagtugis sa illegal POGOs.
Nakaharap na ni Remulla si Chinese Embassy
Chargé D’affaires Ad Interim Zhou Zhiyong kung saan pinagusapan nila ang mga procedure sa deportasyon.
Ayon sa kalihim, hindi basta-basta ang deportasyon ng mga Chinese dahil kailangan muna nilang imbestigahan ang mga sangkot sa illegal POGO operations at beripikahin ang pagkakakilanlan ng mga dayuhan na overstaying.
Moira Encina