Department of Disaster Resilience mungkahing itatag ng isang senador
Isinusulong ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience, dahil sa mas tumitinding epekto ng mga dumaraang bagyo at kalamidad sa bansa.
Sa kaniyang inihaing Senate Bill 188, sinabi ng senador na dahil sa dami ng mga tumatamang bagyo, lindol at iba pang natural disaster sa bansa, dapat nang magkaroon ng streamlining at iisang tanggapan na hahawak sa disaster preparedness mitigation at disaster response.
Sa pamamagitan nito ay may isang ahensiyang direktang mananagot at maging sa konstruksiyon ng mga pasilidad at gusaling nawasak ng bagyo.
Iginiit ng Senador na dapat advance ang gobyerno tuwing may darating na bagyo at nakahanda na ang local government units para maiwasan ang mas matitinding pinsala.
Bukod sa disaster resilience, pina-aamyendahan ng Senador ang kasalukuyang building code.
Ito’y para matiyak na lahat ng gusali at pasilidad ay ligtas sa anumang natural at man made disaster.
Ayon sa mambabatas, ilang dekada na ang nakalipas ng maging batas ang National Building Code of the Philippines noong 1977 at dapat I-upgrade na ang mga patakaran at sistema tungkol sa building safety.
Meanne Corvera