Appointment ni DAR Secretary Estrella aprubado na ng CA
Inaprubahan na ng Commission on Appointment (CA), ang ad interim appointment ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella.
Walang humarang sa kumpirmasyon ni Estrella bilang kurtisiya sa kaniya na nagsilbing dating mambabatas at dating miyembro ng CA.
Sa pagdinig ay tiniyak ni Estrella na hindi papayagan ng administrasyong Marcos, na ma-convert ang mga lupaing pang-agrikultura at irrigated batay na rin sa utos ng Pangulo.
Makatutulong aniya ito sa paglikha ng mas maraming trabaho at livelihhod opportunities para sa mga Pilipino kaya hindi niya ito haharangin.
Sa ngayon ay nagpatupad aniya sila ng moratorium para sa pamamahagi ng lupa na pag-aari ng state colleges and universities.
Ang naturang mga lupa kasi aniya ay maaari pang gamitin ng mga estudyanteng kumukuha ng kurso sa agrikultura, para sa kanilang actual practice sa farming, fisheries, at livestock.
Ang mga lupain ding ito ang maaaring ipamahagi sa mga kabataang nakapagtapos na ng apat na taong kurso sa agrikultura para mahikayat silang magsaka.
Bukod kay Estrella, inaprubahan din ng CA ang promotion ng tatlompu’t anim na mga opisyal ng sandatahang lakas ng bansa.
Meanne Corvera