Matuto sa storybooks
Magandang araw sa lahat!
Mga kapitbahay, mahilig ba kayong magbasa ng komiks?
Ay ako noong bata pa ako.
Laking Hiwaga, Tapusan, Liwayway tayo. Linggo-linggo talagang inaabangan ang mga kuwentong, itutuloy.
Alam n’yo nakausap natin si Ms. Jobelle Gayas, taga Science Education and Innovations Division ng Science Education Institute ng DOST (Department of Science and Technology).
Nabanggit niya ang mga pinagkakaabalahan nila ngayon ay ang paggawa ng storybooks na dito ay naka-incorporate ang STEM (Science,Technology ,Engineering, Technology and Mathematics).
Ang STEM ay teaching and learning approaches na nagbibigay -diin o nakafocus sa pagkakaugnay ng bawat subject sa ibang subject.
Halimbawa, ang technology puwedeng maintegrate sa science, or sa math, o engineering.
At bilang suporta ng DOST sa Department of Education ay nagdevelop ang division ni Ms. Jobelle ng storybooks na puwedeng gamitin ng mga teacher na nagha-handle ng mga bata na ang edad ay 3-8 years old.
Ang kaibahan ng kanilang storybooks sa karaniwang storybooks na alam natin ay meron itong science and mathematics concepts.
Katulad ng storybook na, Nag-iisang Buwan ang title, naka-focus ito sa heavenly bodies gaya ng mga bituin, araw, at buwan.
Bukod sa science and mathematics concept, meron din ditong naka- incorporate na Pilipino values and culture.
Naipakikita ang respeto at pagmamahal sa pamilya at kapuwa.
Naitanong ko kay kay Ms. Jobelle kung kailan nila sinimulang i-develop ang storybooks at ang sabi niya ay nuong 2018, Nakagawa sila ng walo.
Noong 2019 ay sampu ang nagawa nila at nuong 2021 ay 15 stories naman.
Noong 2002 ay target nila makagawa ng 15 storybooks.
Kung susumahin aniya ay 48 storybooks na (2022 included).
Samantala, hindi pa naipamamahagi ang mga storybook, at kamakailan lamang sila nakapagsagawa ng dalawang araw na webinar na ang naging participants ay inabot ng 1,800.
Karamihan sa mga nakibahagi ay mga guro, magulang, at estudyante.
For sure, maraming matututuhan ang mga bata kapag sinimulan na itong gamitin ng mga guro sa pampubliko at pribadong paaralan.
Siyanga pala, maaaring makakuha ng kopya ng storybooks ng libre, wala pong bayad.
Ang dapat lang gawin ay sumulat sa Director ng Science Education Institute, DOST, na si Director Josette Biyo, o bisitahin ang kanilang website.
By the way, hindi ganuon kadaling makadevelop ng storybook, kinailangan nilang makipag-collaborate sa ilang eksperto ng early childhood development mula sa College of Home Economics ng U.P. Diliman, at kumuha din ng experienced graphic artists para mag-illustrate ng stories.
By next year, 2023 ay magiging abala na aniya sila sa pag-disseminate ng storybooks.
O ayan mga kapitbahay, just in case ,na interesado kayo, maaari naman kayong magkaroon ng sipi ng storybooks.
Hanggang sa susunod ulit!