Mahigit 7.8 milyong pisong halaga ng shabu nasabat ng BOC
Aabot sa mahigit isang kilo o katumbas ng 7.8 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs – Port of Clark, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon sa BOC, ang iligal na droga ay nadiskubre sa isang package na idineklara bilang laruang pang bata at may nakalagay rin ditong for personal use.
Galing ang shipment sa Victoria, London at dumating sa bansa noong September 26.
Pero matapos suriin, nakita ang iligal na droga kasama ng laruan.
Agad namang nagsagawa ng Controlled delivery operation ang mga awtoridad sa recipient ng package sa Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal.
Madelyn Villar-Moratillo