Comelec tuloy tuloy parin sa mga preparasyon para sa BSKE
Kahit pirma na lang ng Pangulo ang hinihintay, tuloy pa rin ang Comelec sa kanilang mga preparasyon para sa Barangay at SK elections.
Sa anunsyo ng Comelec, ngayong araw ay gagawin nila ang full printing ng opisyal na balota na gagamitin para sa BSKE.
Bukas Oktubre 4 ay bubuksan naman ng kanilang Bids and Awards Committee ang bidding para sa supply at delivery ng ballot boxes para sa BSKE.
Habang sa Oktubre 5 naman ay bubuksan ang bidding para sa supply at delivery ng iba pang election paraphernalia.
Una rito sinabi ni Comelec Chair George Garcia na hindi sila titigil sa paghahanda para sa BSKE hanggat walang batas na nagpapaliban rito.
Sakali kasi aniyang hindi ito maisabatas ay sila naman ang mahihirapan at kakapusin ng preparasyon para sa halalan.
Madelyn Villar- Moratillo