Panukalang batas na magtataas sa sahod ng mga public school teacher, inihain sa Kamara
Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtataas sa sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Inihain ni Quezon City Congressman Patrick Michael Vargas ang House Bill 4070 na naglalayong itaas sa Salary Grade 19 o 49 thousand pesos kada buwan ang suweldo ng karaniwang guro mula sa Salary Grade 11 o 25 thousand pesos kada buwan.
Sinabi ni Vargas panahon na para itaas ang suweldo ng mga guro dahil hindi na sila makaagapay sa standard ng pamumuhay ngayon na nakakaapekto sa kalidad ng kanilang pagtuturo sa mga estudyante.
Ayon kay Vargas maraming guro ang baon sa utang dahil ang Republic Act 11466 o Salary Standardization Act of 2019 ay hindi na akma sa sitwasyon ng pamumuhay ng mga guro.
Inihayag ni Vargas kailangang pangalAgaan ng gobyerno ang kapakanan ng public school teachers dahil sila ang humuhubog sa edukasyon ng mga kabataan na tinaguriang pag- asa ng bayan.
Vic Somintac