395 aplikante hired-on-the-spot sa first tourism jobs fair ng DOT at DOLE
Hired-on-the-spot sa kauna-unahang tourism jobs fair ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang 395 aplikante.
Ang jobs fair ay isinagawa sa Pasay City, Cebu City, at Davao City mula September 22 hanggang 24.
Ayon sa DOT, ang nasabing bilang na natanggap sa trabaho ay mula sa mahigit 9,000 pre-registrants at walk-in applicants sa jobs fair.
Umaabot naman sa 8,305 ang itinuturing na “near hires” o ang mga makukuha sa trabaho depende sa interview at pre-employment requirement compliance.
Batay naman sa DOLE partial report noong September 28, kabuuang 1,049 applicants ang hindi qualified habang 530 ang ini-refer sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa karagdagang skills training.
Nagpasalamat naman ang DOT sa 157 kumpanya na nag-alok ng mahigit 8,000 tourism-related jobs.
Moira Encina