Makati itinanghal na kauna-unahang Resilience Hub sa Pilipinas at Southeast Asia
Kinilala ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction o UNDRR ang Makati city bilang kauna-unahang Resilience Hub sa Pilipinas at sa buong Southeast Asian Region.
Ang resilience hub certificate ay iginagawad ng UNDRR sa mga lungsod, munisipalidad o lokal na awtoridad na nakapagpatunay ng kanilang political at technical commitment sa pagtugon sa mga hamon at panganib ng disasters at climate change.
Dahil dito , pinasalamatan ni Mayor Abby Binay na ang UNDRR sa pagkilala sa kahandaan ng lungsod para sa mas mahalagang tungkulin sa Making Cities Resilient 2030 initiative.
Ayon kay Mayor Abby, ikinararangal ng Makati na makapaglingkod bilang Resilience Hub ng MCR2030 sa susunod na tatlong taon.
Kamakailan, nahalal ang Makati bilang lead city ng Disaster Cluster ng CityNet.