Drug test , hindi dapat discriminatory
Pumalag si Senador Jinggoy Estrada sa panukalang mandatory drug test sa celebrities.
Ayon kay Estrada, hindi dapat discriminatory ang pagpapatupad ng drug test.
Kung gagamitin aniya ang drug testing sa anumang work engagement, dapat itong ipatupad sa lahat ng sektor at hindi sa mga piling grupo o komunidad at hindi dapat limitahan sa mga celebrity o mga artista.
Sa mga nagtatrabaho sa gobyerno, may umiiral na aniyang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act kung saan nakasaad na lahat ng government employees ay dapat sumailalim sa ramdom drug testing.
May resolusyon naman aniya ang Civil Service Commission na nagsasabing ipatutupad ang Random drug testing sa lahat ng National at Local Government Units para matiyak na drug free ang mga ahensiya ng gobyerno.
Meanne Corvera