Drone Technology malaki ang naitutulong sa mga magsasaka sa pagpapataas ng food production
Ginagamit ang drones sa iba’t ibang mga aplikasyon kabilang na dito ang nauukol sa agrikultura na kung tawagin ay Unmanned Aerial Vehicle o UAV.
Sinabi ni Ms. Ameerah Rose Panganiban, Corporate Secretary ng isang Filipino-Japanese joint-venture company ng drone systems, malaki ang maitutulong ng teknolohiya ng drone sa mga gawaing pambukid ngayong unti-unti nang sinisimulang yakapin ang tinatawag na “smart farming.”
Aniya, ang smart farming ay isang paraan ng pagsasaka na gumagamit ng modernong information and communications technology o ICT para paramihin ang produksyon at pagbutihin ang kalidad ng ani sa bukid.
Paliwanag pa niya, karaniwang ginagamit ang drones sa pag spray ng fertilizers, pesticides, at herbicides upang makatipid sa gastos ang magsasaka at gawing mas madali ang kanilang trabaho sa bukid.
Nakatitipid din aniya ng hanggang 90% sa tubig at 30% hanggang 40% sa pesticides kapag ang agricultural spraying drone ang gagamitin kumpara sa tradisyunal na sprayer na ginagamit ng magsasaka.
Belle Surara