Pagkansela sa visa ng mahigit 40,000 POGO workers, minamadali na ng Bureau of Immigration
Target ng Bureau of Immigration (BI) na matapos sa loob ng isang buwan ang proseso para sa kanselasyon ng Visa ng 48,782 dayuhang nagtatrabaho sa POGO.
Aminado naman si BI Commissioner Norman Tansingco, na mahirap ang proseso na ito pero minamadali na nila ang trabaho.
Inaalam din aniya ng kanilang mga tauhan kung mayroon ba sa mga ito ang nakaalis na ng bansa.
By batch aniya ang kanilang gagawing pagkansela sa mga Visa.
Iminungkahi aniya ng BI ang Visa cancellation dahil mas mabilis ang prosesong ito kaysa deportation.
Sa oras na makansela ang Visa ng isang dayuhan, may hanggang 59 na araw na lang sila para manatili sa bansa at kung mabibigo silang umalis ay saka sila isasailalim sa deportation proceedings.
Madelyn Villar-Moratillo