Pilipinas muling nahalal sa International Telecommunication Union (ITU) Council
Napanatili ng Pilipinas ang puwesto nito sa International Telecommunication Union (ITU) Council sa ilalim ng Region E (Asia and Australasia) para sa terminong 2023-2026.
Sinabi ng Department of Affairs (DFA) na ang eleksyon ay ginanap sa 2022 ITU Plenipotentiary Conference sa Bucharest, Romania.
Binubuo ng 16 kandidato ang highly contested na halalan para sa Region E.
Sa 13 seats ay nag-rank ang Pilipinas sa ika-pitong puwesto.
Kasama ng Pilipinas na nahalal sa ITU Council sa Region E ang Australia, Bahrain, China, India, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Kuwait, Malaysia, Kingdom of Saudi Arabia, Thailand, at United Arab Emirates.
Ito na ang ika-limang consecutive term ng Pilipinas sa ITU Council.
Sinabi ni DFA na ang ITU ay ang specialized agency ng United Nations (UN) para sa Information and Communication Technology (ICT).
Ang Pilipinas ay miyembro ng ITU mula pa noong 1912.
Moira Encina