Remulla ibinida sa UN Acting High Commissioner for Human Rights ang pagpapalaya sa halos 400 detainees at mga reporma sa prison decongestion
Nakaharap ni Justice Secretary Crispin Remulla si United Nations Acting High Commissioner for Human Rights Ms. Nada Al-Nashif sa Geneva, Switzerland.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, ibinida ni Remulla ang mga nagpapatuloy na hakbangin ng gobyerno ng Pilipinas para mapalakas ang domestic human rights mechanisms nito.
Pangunahin sa ibinahagi ni Remulla sa UN acting high commissioner ang mga reporma ng Department of Justice (DOJ) para mapaluwag ang mga kulungan.
Gayundin, ang pagpapalaya sa 371 bilanggo na napagsilbihan na ang sentensya noong Setyembre.
Ipinabatid ni Remulla kay Al- Nashif na ipagpapatuloy ng DOJ ang nasabing pagpapalaya ng mga preso at palalakasin ang witness protection program.
Kinilala naman ni Al- Nashif ang mga pagsisikap ng Pilipinas ang mga isyu gaya ng pagpapaigting sa accountability, engagement sa UN at human rights- based approach sa drug control.
Moira Encina