Senador Imee Marcos namahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong karding sa Nueva Ecija at Bulacan
Pinagkalooban ng 5 milyong pisong ayuda ni Senador Imee Marcos ang mga magsasaka sa Gapan, Nueva Ecija na labis na naapektuhan ng bagyong Karding.
Ayon kay Marcos, bukod sa nasabing halaga may mga binhi rin aniya na ipagkakaloob mula naman sa Department of Agriculture para sa mga apektadong magsasaka.
Ayon kay Gapan Mayor Joy Pascual halos 90 porsyento ng mga palay sa lungsod ay napinsala ng bagyong Karding.
Naging mainit naman ang pagsalubong ng mga taga-Gapan kay Marcos na bukod sa cash assistance na 5 libong piso sa mga biktima ng kalamidad ay namigay rin ng nutribun at mga gulay sa mga nasalanta ng super typhoon Karding.
Kabilang ang mga ito sa higit 2,600 mga residente na partially at totally damaged ang mga bahay dahil sa bagyo.
Maliban sa Nueva Ecija, nagkaloob rin si Senador Marcos ng mga nutribun, mga gulay at tig- P5,000 ayuda sa may isang libong residenteng napinsala ng bagyo San Miguel, Bulacan.
Nagbigay rin sya ng 5 milyong pisong tulong pinansyal para sa mga magsasaka sa bayan ng San Miguel.
Madelyn Villar-Moratillo