Pilipinas, kinondena ang ballistic missile test ng North Korea
Kinondena ng Pilipinas ang pinakahuling missile launches ng North Korea.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga nasabing aksyon ay lumilikha ng seryosong hamon sa mithiin ng kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula, sa rehiyon, at sa mundo.
Umapela ang Pilipinas sa North Korea na tumugon sa mga obligasyon nito sa ilalim ng UN Security Council Resolutions.
Nanawagan din ang gobyerno ng Pilipinas sa North Korea na mag-commit sa proseso ng constructive at mapayapang dayalogo.
Noong Martes ay nagpakawala ng intermediate-range missile sa Japan ang North Korea.
Nitong Huwebes ay nagpakawala muli ito ng dalawang ballistic missiles sa eastern waters.
Ito na ang ika-anim na round ng missile tests ng NoKor sa loob ng mahigit isang linggo.
Moira Encina