Bilang ng mga pinoy na nagtatrabaho sa POGO tumaas ayon sa BIR
Inamin ng Bureau of Internal Revenue na tumaas ang bilang ng mga mangagawang pinoy na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore and Gaming Operations mula sa 2020 hanggang 2022.
Sa report na isinumite ng BIR sa Senate Committee on Ways and Means, umabot na sa 16, 736 ang mga pinoy na nagtatrabaho sa mga lisensIyadong POGO.
Sa tala ng BIR, mula 14.19 percent noong 2019, umaabot na ngayon sa 48.87 percent ang mga pinoy na nagta ttrabaho sa POGO.
Bumaba naman sa mahigit 14 ang mga dayuhang mangagawa kumpara sa dating 28, 394 noong 2020.
Sinabi ni BIR Director Sixto Dy Jr. na ang impormasyon nila ay batay sa impormasyon na isinumite ng Bureau of Local Employment.
Batay sa Republic Act 11590 o POGO Law, ang lahat ng dayuhang nagtatrabaho sa POGO industry ay obligadong magparehistro sa BIR, kumuha ng tax identification number at bayaran ang final withHolding tax ng 25 percent ng kanilang gross income .
Una nang hiningi ng Senado ang mga impormasyon kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa mga panukala kung palalawigin o ipatitigil na ang POGO operations.
Pero para kay Senador Sonny Angara dapat maghinay hinay sa planong pagbuwag sa POGO at dapat bigyan muna ng tiyansa dahil sa puhunang inilagak ng mga foreign investor.
Meanne Corvera