SP Zubiri, nagpaliwanag sa hindi paglusot sa CA ng mga Presidential Appointee
Nagpaliwanag si Senate President Juan Miguel Zubiri sa hindi paglusot sa Commission on Appointments ng mga Presidential Appointee.
Ayon kay Zubiri, ginawa nila ang kanilang trabaho na suriin ang kapasidad at kakayahan ng mga itinatalang opisyal sa mga tanggapan ng gobyerno.
Katunayan, inaprubahan ng CA ang Ad Interim Appointment ng 8 Cabinet officials, 28 na Diplomats at promotions ng 113 military officials
Hindi naman aniya maaaring basta na lamang palusutin ang mga opisyal dahil kailangang suriing mabuti ang kanilang qualifications bilang bahagi ng kanilang mandato at hindi maakusahang rubberstamp ng Malacañang.
Kabilang sa hindi lumusot sa CA ang 15 Cabinet offcials kaya nire-appoint sila ni Pangulong Bongbong Marcos maliban kay dating Executive Secretary Vic Rodriguez.
Paglilinaw naman ni Zubiri hindi nila isinalang sa CA ang nagbitiw na si Rodriguez dahil walang isinumiteng mga dokumento para sa kaniya habang si Commission on Audit (COA) Chairman Jose Calida ay idinahilan ang kaniyang kalusugan nang isasalang na sana sa CA.
Meanne Corvera