Mga lider ng Senado at Kamara, pinuri si PBBM sa unang 100 araw nito sa puwesto
Good at great job.
Ganito inilarawan ng mga lider ng Kamara at Senado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa unang 100 araw nito.
Para kay Senate President Juan Miguel Zubiri, si PBBM ang maituturing na best salesman ng bansa.
Matapos aniya ang termino ni noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, wala ng gaanong investors sa economic zones ang pumasok sa bansa.
Pero ngayong panahon ni PBBM, nakakahabol na aniya ulit ang Pilipinas sa pagpaparami ng mga investor.
Pinuri naman ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pakikipag-ugnayan ni PBBM sa kanyang mga kaibigan sa international community kaya inaasahang darami pa ang mga papasok na foreign direct investments sa bansa.
Inihalimbawa nito ang Singapore na siyang nangungunang source ng mga foreign direct investment ay tinanggap at may magandang pananaw sa Marcos administration.
Si dating Pangulong Arroyo, pinuri rin si PBBM sa unang 100 araw nito.
Pinuri niya rin ang binuong economic team ni PBBM na haharap sa epekto ng global tension sa Ukraine at Taiwan.
Napansin rin nito ang pagiging kalmado at maalalahanin ni PBBM bilang ama ng bansa.
Madelyn Moratillo