Pagbibibigay ng ayuda dapat pag- aralan ng gobyerno ngayong mataas ang inflation
Iminungkahi ni Senador Christopher Bong Go na dapat pag- aralan rin ng gobyerno ang pagpapasa ng batas para magbigay ng ayuda sa mahihirap na mamamayan .
Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at nakaambang pagtaas ng presyo ng diesel at iba pang produktong petrolyo .
Sinabi ni Go na hindi malayong magkaroon na naman ng domino effect ang pagtaas ng diesel lalo na sa mga mananakay habang milyon milyon pa rin ang mga pinoy na walang trabaho .
Mungkahi ng Senador, gamitin ang savings ng gobyerno para i address ang epekto ng inflation o kaya’y para ipantulong sa mga mahihirap para matiyak na walang magugutom at pamilyang kumakalam ang sikmura.
Karanasan na raw kasi na kapag marami ang nagugutom, tumataas rin ang kaso ng kriminalidad.
Meanne Corvera