Maraming bilang ng mga pinoy nagtatrabaho sa POGO
Nanindigan ang Asosasyon ng mga Philippine Offshore and Gaming Operator na malaki ang naitulong sa mga pinoy ng kanilang operasyon .
Sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, sinabi ni Atty. Michael Danganan, tagapagsalita ng Association of Service Providers and POGOs o ASPAP na dumami pa nga ang bilang ng mga pinoy na nagta trabaho sa POGO.
Sa kanilang datos umabot na sa 23 libo ang directly at indireclty hired ngayong taon.
Ang mga ito aniya ay nagtratrabaho bilang mga translator, engineers at project managers.
Bukod dito, naimbag nila sa ekonomiya tulad ng renta sa mga bahay, bayad sa permit at iba pang kontribusyon ng POGO service provider.
Apila nila sa Senado timbanging mabuti ang sitwasyon lalo na sa mga kababayang maapektuhan sakaling magdesisyong buwagin na ang POGO operation.
Meanne Corvera