Mga pinoy itinuturing na isa sa mga problema sa Pilipinas ang fake news
9 sa bawat 10 pinoy ang naniniwala na maituturing na isang problema sa Pilipinas ang fake news.
Sa ginawang survey ng Pulse Asia mula September 17 hanggang 21, tinanong ang 1,200 respondent na nasa edad 18 pataas kung sa tingin ba nila ay problema sa bansa ang fake news.
86% sa mga tinanong ang sumagot ng yes habang 14% naman ang sumagot ng no.
90% sa kanila ang nagsabi na ang fake news patungkol sa gobyerno at pulitika ay nabasa, narinig o napanood nila, 68% sa social media, 67% naman ang sa telebisyon.
21% sa kanila ang nagsabi na sa loob ng 1 araw ay nakakarinig, nakakapanood o nakakabasa sila ng fake news, 26% ang nagsabi na minsan isang linggo, 17% ang isang beses isang linggo, 25% ang minsan sa isang buwan, 10% ang hindi raw nakarinig ng fake news at 1% naman ang hindi na daw maalala.
58% naman ang nagsabi na ang mga social media influencer, blogger at vloggers ang nagpapakalat ng fake news, 40% daw ay mga journalist, 37% ay mga pulitiko sa national level, 30% ay local politicians, 15% ay civic leaders, 11% mga negosyante,4% ay mga guro o professor.
.3% lang naman ang nagsabi na ang kanilang kapitbahay ang pinagmumulan ng pagkalat ng fake news.
Sa tanong naman kung gaano ka kasigurado na ang balitang naririnig, nababasa o napanood patungkol sa gobyerno at pulitika ay hindi fake news… 44% ang nagsabi na sure o sigurado sila, 8% ang very sure, 44% naman ang nagsabi na hindi nila masabi, habang 11 naman ang hindi sigurado.
55% naman ang nagsabi na confident sila sa kakahayahan ng mga pinoy na tumukoy ng fake news, 37% ang hindi daw nila masabi, 7% ang nagsabi naman ng hindi sila confident.
Madelyn Villar-Moratillo