Chinese Embassy itinangging inilagay sa tourism blacklist ang Pilipinas
Tinawag na “misinformation” ng Chinese Embassy ang pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na inilagay sa tourism blacklist ng Tsina ang Pilipinas dahil sa mga isyu sa POGOs.
Ayon sa Chinese Embassy, hindi inilagay ng Tsina sa blacklist para sa turismo ang Pilipinas.
Sa hiwalay pang statement, nilinaw ng Embahada ng Tsina na ang turismo ay mahalagang sangkap ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ayon pa sa embassy, nakatulong ang turismo para lalong mapalalim ang matagal nang pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino.
Sinabi pa ng Chinese Embassy na bago ang pandemya ay halos dalawang milyong Chinese nationals ang bumiyahe sa Pilipinas noong 2019.
Inaasahan pa ng embahada na mas maraming turistang Chinese ang bibisita sa Pilipinas pagkatapos ng Covid pandemic.
Moira Encina