90% ng mga beneficiary ng 4Ps, nanatiling mahirap ayon sa COA
Naglabas ng report ang Commission on Audit o COA na halos lahat ng mga mahihirap na mamamayan na tumatanggap ng ayudang pinansiyal mula sa gobyerno sa ilalim ng pantawid pamilyang pilipino program o 4Ps sa pamamagitan Department of Social Welfare and Development o DSWD ay hindi pa rin nakakaalis sa pagiging dukha.
Batay sa performance audit report ng COA 3.8 milyon mula sa 4.2 milyon o 90 percent ng mga 4Ps beneficiaries ay nananatiling mahirap sa kabila na ang mga ito ay tinutulungan na ng pamahalaan sa loob ng 7 taon.
Ayon sa COA umabot na sa 537 bilyong pisong pondo ang inilaan ng gobyerno para sa 4Ps hanggang noong taong 2021.
Payag naman ang DSWD na sumailalim sa evaluation ng Joint Congressional Oversight Committee upang malaman kung kailangan pang ituloy ang pagpapatupad ng 4Ps law.
Naging mainit ang isyu sa 4Ps matapos ipatupad ng DSWD ang paglilinis sa listahan ng mga mahihirap na tumatanggap ng financIal assistance ng gobyerno.
Alinsunod sa implementing rules ng 4Ps tatagal lamang ng 7 taon ang pagtanggap ng financial assistance ng mga beneficiaries upang mabigyan naman ng pagkakataon ang ibang kuwalipikadong mahihirap na makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
Vic Somintac
Sana po mapili kami na 4ps kc mhirap din po Buhay namin