DFA pinag-aaralan ang online passport renewal
Nasa initial stage na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pag-aaral nito para gawing online ang passport renewal.
Sinabi ni DFA Office of Consular Affairs Assistant Secretary Henry Bensurto Jr. na inaalam na ng kagawaran ang posibilidad ng “contactless passport system.”
Kabilang na aniya ang posibleng paggamit ng application sa smartphone para makapag- renew ng pasaporte ang isang aplikante.
Ayon kay Bensurto, ang paggamit ng mga nasabing teknolohiya ay parte ng mga hakbangin ng DFA upang mas maging convenient ang passport application sa bansa.
lalo na’t inaasahan aniya ng DFA na mas lalong darami ang mga aplikante na kukuha ng pasaporte sa mga darating na taon.
Kasama rin aniya sa pinag-aaralan ng DFA ay ang kaakibat na cybersecurity para sa nasabing sistema.
Inihayag ng opisyal na sa oras na matiyak at mailatag ang cybersecurity ay magiging agresibo ang kagawaran para maipatupad ang online renewal.
Moira Encina