Bibili ka ba ng cellphone?
Magandang araw sa lahat mga kapitbahay!
The other day ay nakakuwentuhan natin sa programa ang isang abay natin na nagbebenta ng cellphones online.
Siya si Ms. Melani Ariola.
Gusto ko ulit ibahagi ang aming napag-usapan.
Sabi niya maraming competitors online at may physical stores pa, kaya dapat masipag na magpost ng mga ibinebentang phones sa social media.
Hindi mahirap magbenta kapag nataon na ang hinahanap ng customer ay ‘yung hinahanap niyang unit talaga.
Karaniwan ay 7-8 phones ang naibebenta niya sa isang linggo, online selling at meet-up.
Two years na siya sa ganitong business at hindi niya malilimutan ay nang mapalitan ang item ng bato (stone).
Totoo pala ‘yung sinasabi ng iba, ano po?
Sabi ni Melani, puwedeng sa logistics (supplier) or delivery o di niya alam kung paano ito napalitan ng bato?
Mabuti na lang aniya, kumpleto siya sa dokumento kaya may katunayan siya.
Kaya nga kung bibili at magbebenta ng phone online, dapat meron kang pinanghahawakan gaya ng waybill, resibo, at pictures dahil hindi ibabalik ng online platform ang pera kung walang maipakikitang katunayan.
Hindi naman aniya masisisi ang delivery boy dahil taga deliver lang naman ang ito.
Naibahagi din ni Melani ang ukol sa pagbili ng second hand na phone.
Laging tingnan kung original ang phone, kung may dent o yupi, alamin kung gaano na katagal ginamit ang unit bago bayaran.
Mapapansin naman aniya kung ayaw ng seller na ipacheck ang phone.
Kapag ganito, posibleng may sira o may hidden problem ang ibinibenta niyang phone.
Pero, kapag ang seller ay willing or check if you want, ika nga, gawin ito.
Kasi kapag binayaran mo na at naiuwi mo na, wala nang pananagutan ang binilhan mo lalo pa nga at dumaan na ang ilang araw.
Kasi hindi alam ng seller kung paano mo ito ginamit after na binili.
Kapag second hand, karaniwan na 50% off na ito.
Kapag ang unit ay brand new nang binili ng seller at ibinenta niya, bababa talaga ang presyo.
Depende sa magiging pag-uusap ng seller and buyer ang presyo.
Depende kung gaano katagal na ang unit, kung ano an hitsura nito.
Bilang nagtitinda ng cellphones, sabi ni Melani na okay namang bumili ng second hand pero, kung may budget ka na rin lang brand new na ang bilhin para less sakit ng ulo.
BIlang panghuli, narito pa ang karagdagang tips niya sa pagbili ng cellphone:
-Dapat ikunsidera ang lifestyle ng buyer
-Dapat sabihin kung mahilig magpicture o mag-camera.
-Siyempre, magkano ba ang budget mo?
Alamin ang specs ng balak bilhin phone.
-Laging i-check ang display, camera, battery, processor dahil mahalaga ito sa isang gamer, kailangan mabilis ang processor, mataas ang RAM (random access memory) at ROM (read only memory)
O ayan mga kapitbahay, sana ay nakatulong ito sa inyo lalo na nga at nagbabalak kayong bumili ng cellphone.
Until next time!