Ilang Senador nababahala sa malaking alokasyon ng gobyerno para ipambayad utang
Nababahala si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa lumalaking alokasyon ng gobyerno para sa pagbabayad ng utang ng bansa.
Ayon kay Pimentel ,hanggang nitong katapusan ng Agosto, aabot na sa 13.021 trillion pesos ang utang ng bansa.
Nangangahulugan ito na bawat isang Pilipino may utang na 119,000 pesos.
Sa panukalang 5.2 trilyong pisong pambansang budget sa susunod na taon, 30 percent nito o 1.630 trillion ang para sa principal amortization bukod pa ang 583 billion na para sa interest.
Sinabi ni Pimentel, malaking pondo na sana ito para sa social at health expenditures para sa ating mga kababayan.
Mungkahi niya dapat transparent ang paggastos sa pondo ng GOCC lalo na sa mga pondong uutangin.
Kabilang na rito ang 43 billion pesos ng National Power Corporation.
Meanne Corvera