2,000 metric tons ng puslit na asukal mula Thailand , naharang sa Customs
Aabot sa halos 2 libong metriko tonelada ng asukal na nakalagay sa 76 na container van ang nasabat ng Bureau of Customs.
Bawat isang container, naglalaman umano ng 500 sako ng asukal.
Sa kabuuan, nagkakahalaga ng 228 milyong piso ang nahuling kontrabando na dumating sa Manila International Container Port nitong Setyembre.
Ang mga nasabat na asukal, galing umano sa Thailand at wala umanong dokumento.
Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kung nakalabas sa merkado ang tone toneladang ito ng asukal tiyak kawawa na naman ang local producers.
Nagsasagawa na rin aniya ng imbestigasyon ang BOC kung paano naipuslit sa bansa ang malaking shipment na ito.
Tiniyak ni Ruiz ang mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan sa bansa lalo at malapit na ang holiday season.
Madelyn Villar – Moratillo