Localized community transmission ng Omicron XBB subvariant at XBC variant sa ilang rehiyon ,kinumpirma ng DOH
Kinumpirma ng Department of Health na nakitaan nila ng localized community transmission ang Omicron XBB subvariant at XBC variant sa ilang rehiyon sa bansa.
Ang community transmission ay kapag hindi na matukoy ang link ng mga kaso ng hawahan.
Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, direktor ng Epidemiology Bureau ng DOH, ang community transmission ng XBB ay nakita nila sa Region 6 habang ang XBC naman ay sa Regions 11 at 12.
Batay sa datos, may 80 kaso ng XBB ang natukoy sa Region 6 habang sa Regions 11 naman ay may 70 XBC variant ang nakita at 99 naman sa Region 12.
Ayon kay de Guzman, sa ngayon ay patuloy pa ang kanilang imbestigasyon kung paano nakuha ng mga ito ang virus pero sa kanilang inisyal na pagsusuri, local cases ang mga ito.
Tiniyak naman ng DOH na sa kabuuan ng bansa ay wala pang nakitang community o local transmission ng mga bagong variant na ito ng COVID-19 .
Madelyn Villar-Moratillo