DOT pinuri ang pagpalit sa One Health Pass ng mas simpleng eARRIVAL CARD
Pinalitan na ang One Health Pass ng mas simpleng eARRIVAL CARD bilang travel entry requirement sa Pilipinas.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, mas convenient at stress-free ang eARRIVAL CARD
Ang nasabing hakbangin ay bahagi ng mithiin ng Marcos Government na padaliin ang nalalabing stringent entry protocols sa bansa.
Sinabi ng kalihim na ang eARRIVAL CARD ay nag-ugat sa panukala ng DOT na alisin na ang One Health Pass sa harap ng mga reklamo mula sa inbound travelers.
Dati ay obligado ang travelers na magrehistro sa OHP ilang araw bago ang biyahe at i-accomplish ang electronic Health Declaration Checklist (eHDC) sa araw ng departure.
Sa eARRIVAL CARD, inalis o binawasan na ang mga “unnecessary” information fields para mas maging madali at mabilis ang traveler registration process.
Hindi na rin kailangan ng travelers na mag-download at mag-install ng mobile application para magrehistro dahil ang eARRIVAL CARD ay browser-based system.
Moira Encina