NGCP tower sa Lanao del Norte pinasabugan, maraming lugar nawalan ng kuryente
Walang kuryente ang maraming lugar sa Western Mindanao matapos bumagsak ang Tower no.8 ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Sitio San Isidro Brgy Bagumbayan, Kauswagan, Lanao del Norte.
Batay sa report , ito ay matapos pasabugan ng improvised explosive device ng mga hindi pa nakikilalang grupo ang naturang tower ng NGCP.
Dahil sa insidente kabilang sa mga lalawigang naapektuhan ng power interruption ay ang Zamboanga Peninsula Region, ,Misamis Occidental, at ang mga lugar na saklaw ng Lanao del norte Electric Cooperative o LANECO.
Pinakanaapektuhan ang Zamboanga city na itinuturing na industrial area sa buong peninsula.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na pagpapasabog.
Ely Dumaboc