Pangulo nakatakdang magpalabas ng EO sa boluntaryong paggamit ng face masks sa indoor areas: DOT official
Nakatakdang maglabas ni Pangulong Bongbong Marcos ng executive order sa boluntaryong paggamit ng face masks sa indoor areas na may ilang eksepsiyon.
Sinabi ni Department of Toursim (DOT) Secretary Cristina Frasco, na ito ang napagkasunduan sa isang Cabinet meeting nitong Martes base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force.
Gayunman aniya, ang pagsusuot ng masks ay magiging requirement pa rin sa mga pampublikong transportasyon at medical facilities.
Una nang inaprubahan ng pangulo ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa labas o sa outdoor settings.
Sa Executive Order No. 3, iginiit din ng pangulo ang patuloy na pagpapatupad sa minimum public health standards.