Panukalang batas para ideklarang garlic capital ang Ilocos Norte lusot na sa Kamara
Inaprubahan na ng House Committee on Agriculture and Food ang House Bill 4337 o panukalang batas na nagdedeklara sa lalawigan ng Ilocos Norte bilang Garlic capital of the Philippines.
Ayon kay Ilocos Norte 2nd District Congressman Angelo Marcos Barba, kapag naisabatas ang panukala ay magsisilbi itong inspirasyon para mapaunlad pa ang garlic production sa Pilipinas.
Sinabi ni Barba, ang Ilocos Norte ay patuloy na nangunguna sa produksyon ng bawang.
Inihayag ni Barba na umaabot na sa 55.7 percent o 4,161 metriko tonelada ang bawang na napo-produce ng Ilocos Norte.
Nais ni Barba na dapat unahin muna ng Department of Agriculture na bilhin ang mga locally produced na bawang bago umangkat ng mga imported na bawang upang mabuhay ang mga magsasaka ng bawang sa bansa.
Vic Somintac